Sunday, July 7, 2013

Tatlong Bibe



May tatlong bibe akong nakita.
Mataba, mapayat mga bibe,
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa,
Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak!
Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak!

Tayo na sa ilog ang sabi,
Kumendeng, kumendeng ang mga bibe.
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa,
Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak!
Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak!
Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak!

May tatlong bibe akong nakita.
Mataba, mapayat mga bibe,
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa,
Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak!
Kwak kwak kwak! Kwak kwak kwak!

Wednesday, July 3, 2013

Bahay Kubo



Bahay Kubo Lyrics

Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon, ay sari sari
Sinkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.

Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
Sibuyas, kamatis, bawang at luya
Sa paligid-ligid ay maraming linga.